Saturday, August 05, 2006

Ako, ang Amerika at ang aking karapatan

Una sa lahat ako ay isa lamang ako sa napakaraming Pilipino na nangarap at mamiling manirahan dito sa bansang Amerika sa hangad na gumanda ang kinabukasan sa kapakanan ng aking pamilya.
Dahil sa sapat na karapatan sa pamamagitan ng aking ama bilang isang sundalo ng United States Armed Forces Of The Far East (USAFE) at ipinagtanggol ang Amerika noong World War II ay nagkaroon ang aming buong pamilya ng sapat at legal na karapatan upang maging mamayan manirahan dito sa Amerika.
Pangalawa, isa sa aking kapatid ay pinalad makapasa sa mga pagsubok at makapaglingkod
dito sa bansang Amerika bilang isang US NAVY, nagsilbi sya ng 23 taon at isa sya sa mga unang
ipinadala sa First Persian Gulf o " Operation Dessert Storm".
Pinili kong isulat sa sariling kong wika ang liham na ito upang ipabatid sa lahat ng makakabasa nito na "Isa Akong Pilipino na ipinanaganak sa mahal kong bayang Pilipinas na nagkaroon ng sapat na karapatan na manirahan, mamuhay at maging legal na mamayan dito sa lupang Amerika ngunit sa puso, sa diwa, sa isip ako ay isa pa ring Tunay Pilipino na may paniwala sa Diyos at sa pantay na karapatan ng bawa't tao anuman sya at sa salitang demokrasya na itinuro sa atin ng bansang Amerika.
Sa ngayon isa akong mamayang Amerikano ( Naturalized American Citizen ) na nagtatrabaho at nagababayad ng tamang buwis at nagsisikap itawid ang pangaraw-araw na pamumuhay upang matupad ang minimithing tagumpay at ang pangarap na " The Great American Dream ". " Mayroon nga ba nito?"
Sa loob ng humigit-kumulang labing-dalawang taon na pagtatrabaho at nakatuon ang isip na kailangang kumita, tanggapin ang lahat, mahalin ang trabaho anuman sya at 'wag maging pihikan o maselan, mabayaran lahat ang mga obligasyon at magsikap sa katuparan ng lahat ay nakalimutan ko ang salitang "KARAPATAN" ng isang karaniwang mang-gagawa.
Sa ngayon isa ako na sumusuporta na magkaroon ng isang" worker's union" upang mapangalagaan ang aming karapatan, maitaas ang antas ng pagkatao, tumanggap at makiusap ng tamang pasuweldo at maghangad ng benepisyo.
Ayon sa NLRA ( National Labor Relation Act ) ang lahat na aking huling nabanggit ay ating karapatan at di dapat ikatakot o ikahiya kung ipinapakita natin ating karapatan bilang isang manggagawa, kagaya ng pagtatayo o pagsama sa " Union ". Alam ko tulad ko rin kayo na pasalamat na mayroon akong trabaho kahit paano, walang pakialalam at kung sasali ako sa "Union" gugulo lang aking buhay, ok naman 'to kesa wala! Baka pa mawala ang aking mga benefit kung sasali o magmiyembro nito?
Kailangang ilampas natin ng kaunti ang ating kaisipan sa "paycheck everyweek", " easy money " pumapayag sigawan o utus-utusan palagi ng nakakataas sa takot mawalan ng trabaho, at di man lang napapansin ang mabuting kaugalian ng isang Pilipinong manggagawa masipag, matiyaga, malinis at di nagiisip ng masama sa katrabaho nya kagaya ng panggugulang sa trabaho.
Sa kanila po tayo natuto ng masama, kagaya ng maging tamad, di matulungin, walang pakisama, kailangan magpalakas o magsipsip ( Kiss Ass, Smart Ass o kailangang makipag bull-shitan araw-araw na sa akala mo yan ang American Style para magkarooon ng pagkakataon matutunan at maipagmalaki na may alam o may natutunan kang iba at utang na loob o malaking pasasalamat sa kanila dahil nagkaroon ka na pagkakataon! Aanhin natin ang lahat ng ito kung niyuyurakan ang ating karapatan, at di tinutupad ang salitang "Demokrasya" na ipinagmamalaki sa buong mundo at naging pinakamagaling na bansa sa buong mundo, ang Amerika. Ano at nasaan ang salitang " Home Of The Brave and Land Of The Free", kung tayo ay takot at di malaya sa ating karapatang pangtao!
Tayong Pilipino, karamihan sa atin napunta tayo sa Amerika, ng di nakataningkala, di nakabangka, di tumatawid sa border, at di rin sa relihiyon o sa anumang bagay tayo ay nakaeroplano at dahil din sa karapatan, kaya tayo ay namumuhay kasama ang mga mahal natin sa buhay, kagaya ng iba pang karapatang pangtao.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home