Saturday, August 05, 2006

Isang Bi-Lingual Na Liham

Ika-5 ng Hunyo,
Taong 2005
Sa Aking Mga Mahal na Kababayan,
Ako si Hipolito Belarmino, o " May" sa inyong payak na pagkakilala. Isang pangkaraniwang Pinoy-American na ngayon, na lubos ang paniwala sa taglay na kadakilaan ng ating lahi, kaya nga't nagaalay dito ng patunay buhat sa ilang dahon ng nabaon-sa-limot ng ating kasaysayan na inihahandog ko sa mga kababayang Pilipino dito sa Union-Tribune, lalo na sa mga nawawalan ng loob sa kinahihinatnan ng Karapatang Pang-tao at Manggawa na naka-saad sa Bill Of Rights, Amendment nos. 1 ng Bansang Amerika. Sana ay muling sumariwa ang diwang makatao, at liwanagin sa aking kababayan na dalisay nga pala ang mga hibla at himaymay ng ating magandang kaugalian bilang Pilipino, upang maging maagap sa nang-aapi, at laging handa sa pagkalinga ng kapakanan ng kapwa, bilang masipag, malinis, matulungin at laging maasahan. At matalinong makibaka sa bagong panahon.
Kalakip ng liham kong ito ang tinatawag na " Summary Of Employee's Free Choice Act " at kayo na po ang humusga kung sino ang nasa katamaan, nasa batas, at may karapatan laban sa nagsisinungaling, nananakot at labis na pagpigil sa ating karapatan bilang manggagawa. Ang tangi nilang sinasabi ay "Isang Malaking Pagkakamali Ang Union!" at " Isipin nating mabuti ang natatanggap na benepisyo mula sa kanila!" 'Yan ay isang pananakot at labag sa kautusan ng National Labor Act Section 7.
Sa totoo lang, maganda lang ang tunog ng kanilang mga salita at magaling lang silang magsalita ng ingles na akala mo totoo ang mga sinasabi. Nguni't sino ang ang nanghaharass kagaya ng pagsasalita ng masasakit lalo na sa ngayon na nalalapit ang araw ng botohan, namumuwersa ng sa pilitan, kagaya ng meeting, pagkatapos kang pahirapang magtrabaho. Sila ang nanglilinlang at hindi ang mga taong makaunyon na tangi lang hangad ay ipatupad ang ating karapatan bilang manggagawa. Masyado nilang minamaliit ang ating pagkatao at kaalaman kagaya ng terminong "Unskilled Worker", na pilit nilang isinaksak sa ating kaisipan upang di tayo makahingi o makipag-demand ng mali-laking pasahod at magandang benepisyo. At karamihan sa atin ay part-timer. Ito ay sa dahilang ayaw nilang magbigay ng iba pang benepisyo kagaya ng Life Insurance.
Ang nasa isip lang natin ay " easy money", " mabuti nga may trabaho ako at sumusweldo linggo-linggo kahit unskilled ako!" " Di mo ako kayang gulangang magtrabaho, sapagka't alam ko na yang laro na yan!" O maging isang " Smart- Ass Kisser" sa araw- araw na pagta-trabaho o mag-double job para mabuhay at mabayaran ang mga bills. Tingnan po natin ang ating mga sarili kung di tayo makikitira o makikipagshare sa mga kababayan at kapamilyang sobrang bait di tayo mabubuhay ng marangal. Samantang ang iba ay nagpapasarap at nagkaroon ng pagkakataon na umangat at madali ang gawain kaysa sa atin kahit sila ay di nakarating ng mataas na paaralan. Nakikita at nakikilala lang nila ang galing ng Pinoy pag sa ganitong pagkakataon " Ang Eleksyon". Masyado nating minamaliit ang ating pagkatao at kaalaman lalo na sa karapatan. ' Yan ang gusto nila ang tayo ay magkagalit-galit at magwatak-watak upang di natin unang maisip na ang ang pagtatayo, pagsama sa Union at magkaisa ang ating tinig at humiling ng makataong pagtingin bilang hamak na manggagawa. Ang pinagusapan dito ay kung nagagampanan natin ang tamang gawaing inaatang sa atin sa araw-araw. Bumoto po tayo sa ating karapatan! Vote YES on June 9 & 10! Be Proud To Be A Pilipino ( Piling-pili Pinong-pino Pa! ) " The Fine Choice! "
Ngayon natin mapatutunayan sa kanila na totoo ang " People's Power ", ang Pinoy-Power at di kailangang maging madahas upang may pagbabago! " MAKIBAKA at 'WAG MATAKOT! 'WAG PAGAMIT AT ILABAN ANG KARAPATAN! ITAAS ANG ANTAS NG ATING PAGKATAO UPANG TAYO AY IGALANG!

THAT WE, FILIPINOS WILL HELP DECIDE FOR THE OUTCOME OF THIS ELECTION!" "VOTE YES!"
Lubos na Nagbibigay- Galang,
May Belarmino ( a.k.a. Kaibigang K )

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home